"Always be prepared to make a defense to any one who calls you to account for the hope that is in you, yet do it with gentleness and reverence." (1 Peter 3:15)

Monday, June 25, 2012

Aking Talambuhay sa Pananampalatayang Katoliko








Ako ay laking katoliko, dati akong sarado katoliko, at sira-do katoliko, sa madaling sabi, di ako mahilig magsimba o maging aktibo man lang sa simbahan noong bata pa ako. Mahilig ako sa mga religious na bagay noon pero hindi ko nakahiligan ang pagsisimba, dahil laki ako sa layaw at masarap na buhay kaya ang oras ko ay nauukol sa panonood ng telebisyon at pagtulog buong araw, naalala ko tuloy ang sinabi ni Apostol Pedro patungkol dito:

"Bilang mga anak, sundin ninyo ang Diyos at huwag ang masasamang hilig tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa." (1 Pedro 1:14, Magandang Balita Biblia)

Dahil diyan, halos kulang o wala akong kaalaman sa pananampalatayang katoliko, dalawang bagay lamang ang naikintal sa akin ng aking mga magulang, ang pagmamahal sa Diyos lalo na sa Panginoong Jesus at sa Mahal na Birheng Maria na kanyang ina. Pinalaki ako ng aking mga magulang na madasalin ngunit sa paraan ng pagsasaulo ng mga dasal. Pero ang masasabi kong pinakamahalaga na una ring naituro sa akin ng aking ina ay ang Banal na Kasulatan o ang Biblia, masasabi ko na ito ang naging unang pundasyon ko para imulat ako sa pananampalatayang katoliko, kaya nga sinabi ni San Pabl ang ganito:
"Ngunit huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan  ng pananalig kay Cristo  Jesus." (2 Timoteo 3:15, Magandang Balita Biblia)

Noong ako ay nasa ika-11 taon na ng aking edad ay naimbitahan ako ng isang Born Again na grupo na umattend ng kanilang vacation Bible school. Dahil diyan dahil nga sa kakulangan ko sa kaalaman sa pananampalataya ay pumayag ako sa gusto nila, tumanggi ang mga magulang ko na payagan ako ngunit dahil sa matatamis na salita ng Born Again ay nadala niya ako na umattend sa kanila tulad ng sinasabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma:

"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod  kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain." (Roma 16:17-18, Magandang Balita Biblia)

Tulad nga ng sinabi ni San Pablo ay naakit nila ako sa kanilang mga matatamis na salita kasama na ang aking kapatid na babaeng panganay. Noon akala namin na patungkol lamang sa Biblia ang kanilang ituturo, ngunit nang lumipas ang ilang linggo, nagulat na lang ako nang bigla silang nagsingit ng mga aral patungkol kay Martin Luther  at sinabihan pa kami na huwag daw maniwala na Immaculada Concepcion si Maria  doon ako nagulat sa mga sinabi nilang iyon, dahil sa isip isip ko bakit ganito ang mga taong ito, malaki ang pagmamahal nila kay Jesus ngunit matindi ang poot at galit nila sa kaniyang Ina.  Tulad nga ng sinabi kanina ni San Pablo na ang "nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo;iwasan ninyo sila." Kaya nga pagkatapos ng aming pagtatapos sa Vacation Bible School na iyon ay di na ako bumalik na umiwas na sa pagbalik doon dahil di ako matanggap na ganun ang kanilang sasabihin patungkol sa Mahal na Birheng Maria, sapagkat isa sa mga di ko maaring talikdan ay ang matinding debosyon sa Ina ng Diyos. Dahil diyan ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat:
"Sa Panginoon laging nakatuon ang aking mga mata, pagkat pinalalaya niya sa bitag ang aking mga paa." (Awit 25:15, Biblia ng Sambayanang Pilipino)

Dahil sa aking pagmamahal sa Mahal na Birhen Maria ay aking wiwikain sa kanya:
"Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?" (Lucas 1:43, Magandang Balita Biblia)

Hindi pa ako nagsimulang maglilo noon sa pananampalatayang katoliko ko, ngunit nanatiling sarado katoliko ako, hindi ako nadala ng Born Again sa dahilang hindi ko maaring iwan ang pagmamahal ko sa Ina ni Cristo dahil para sa akin ang pagmamahal ko kay Cristo ay pareho din sa kanyang Ina. Dahil mahal din ni Cristo ang kanyang ina, at ano kaya mararamdaman ni Cristo kung marinig niya na nilalait lait ang kanyang ina ng mga nagsasabing mahal daw nila siya? Dahil diyan kaya hindi ako natinag sa mga sinasabi ng Born Again, pareho pa rin kaming iniimbitahan nila pero di na kami bumalik ulit doon. Ngunit, lumipas ang maraming panahon, may isa namang kaibigan ang kapatid kong babae na isa ring Born  Again pero sa ibang Born Again groups naman, dahil diyan nagsimula din niya kaming akitin, isa sa mga di ko malilimutan na paninira niya sa katoliko ay ganito "Yang Holy Water ay possessed ng evil spirit, kasi sa Bible nalunod sa tubig yung mga baboy na sinaniban ng evil spirit." Sa umpisa para sa mga walang alam sa Biblia mukhang kawiliwili pero hindi ako nakumbinsi sa salita niyang ito, dahil para sa akin ito ay illogical na rason at walang kabuluhan. Dahil diyan di pa rin niya kami tinigilan hanggang sa ininvite niya kami sa kanilang gathering sa isang lugar or youth jamboree kung tawagin. Dahil diyan napapayag niya kami dahil nga kaibigan siya ng ate ko. Dahil doon, sumama kami, akala namin puro games, kaininan at gatherings lang nila with praise ang worship, yun pala may isang bagay na kanilang itinatago sa amin, sabi nga ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso ang ganito:
"Sapagkat kahiya-hiyang banggitin man lamang ang mga bagay ba ginagawa nila nang lihim." (Efeso 5:12, Magandang Balita Biblia)

Noong malapit nang matapos ang kanilang gawain, ay nagulat na lang ako sa kanilang sinasabi sa amin. "Nais niyo bang mabaptize upang malinis kayo sa inyong mga kasalanan? Hindi ito pagsali sa anumang relihiyon, ito ay paglilinis lamang sa kasalanan."  Dahil nga sa kakulangan ko sa kaalaman sa pananampalataya upang ipagtanggol ang aking pananampalataya ay napapayag nila ako nang labag sa aking kalooban, ganyan nga ang sinasabi ni San Pablo nang kanyang sabihin:

"Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang ibig ko, bagkus ang mga bagay na kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa." (Roma 7:15, Magandang Balita Biblia)

at idinugtong pa niya:
"Sapagkat malugod ninyng tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa ipinangangaral ko. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro ko sa inyo." (2 Corinto 11:4, Magandang Balita Biblia)

Dahil dito ay biglaan nila akong binautismuhan sa paraan ng paglulubog kahit na labag sa aking kalooban at kahit hindi ko siya sinasampalatayanan. Dahil naniniwala ako sa aking naunang binyag sa Iglesia Katolika, ang pagkapanganak na muli sa Sakramento ng Binyag tulad ng sinasabi ni San Pablo na:
"Nang kayo'y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhay kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya." (Colosas 2:12, Magandang Balita Biblia)

Dahil ako ay naniniwala na:

"May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang bautismo, isang Diyos at Ama nating lahat." (Efeso 4:5-6, Magandang Balita Biblia)

Simula noon ay nagsimula na akong mag-aral, magbasa basa ng mga babasahing katoliko, magsaliksik, magsuri at magtanong-tanong patungkol sa aking pananampalatayang katoliko, siyempre patungkol sa bagay na yan ang unang una kong tinanungan ay ang mga pari sapagat sabi ng Kasulatan ay ganito:

"Nasa mga labi ng pari ang kaalaman, dapat matagpuan ang Batas sa kanyang bibig, dahil siya ang sugo ni Yawe ng mga Hukbo." (Malakias 2:7, Biblia ng Sambayanang Pilipino)

Isa sa aking ginamit sa pag-aaral ay ang Banal na Tradisyon na ilang beses na binabanggit sa Banal na Kasulatan na dapat na panghawakan ng mabuti:

"Dahil dito, mga kapatid, magpakatatag kayo at manindigan sa mga tradisyong itinuro namin sa inyo sa salita o sa sulat." (2 Tesalonika 2:15, Biblia ng Sambayanang Pilipino)

at sinasabayan ko rin siya ng pag-aaral at pagbabasa mga Salita ng Diyos sa Biblia:

"Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin." (Juan 5:39, Magandang Balita Biblia)

Isa rin sa aking pinagbasehan ay ang kasaysayan, dahil sinabi ng Biblia ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan:

"Magsaliksik ka sa nakaraang salinlahi at matuto sa karanasan ng kanilang magulang." (Job 8:8, Biblia ng Sambayanang Pilipino)
Dahil diyan hindi ako tumigil sa pag-aaral at pagsasaliksik sa aking pananampalatayang katoliko. Isa sa mga paraan ko ay ang pagsali ko bilang sakristan sa aming parokya at doon mas lumilinaw sa akin ang tunay pananampalataya ko.  Maraming beses na ako nakaencounter ng mga kaanib ng ibang sekta katulad ng Born Again, Baptist, INC , Jehovah's Witness at Seventh Day Adventist. Dahil diyan mas lalong tumindi ang pagnanais ko na pag-aralang mabuti ang aking pananampalatayang katoliko. Dahil diyan minsan na akong napasali sa isang friendster discussion board na ang pamagat ng thread ay 100% Katolikong Pinoy, doon ko naranasan na mapasabak sa pakikipagdiskusyunan sa iba't ibang sekta isa na riyan ay ang mga Born Again. Hindi lamang sa friendster discussion board ko sila naeencounter bagkus ay sa aktwal na sitwasyon, kung saan minsan pa nga sila ay bigla bigla na lang lumalapit sa akin at nakikipagtalo patungkol sa aking pananampalataya, minsan may mga nakikipagdebate pero mindful ako sa isang sinabi ni Pablo na hindi dapat gayon ang gawin  ayon na rin sa kanyang sinabi:

"Iwasan mo ang walang kabuluhang pakikipagtalo sapagkat ito'y hahantong lamang sa awayan. Hindi dapat makipag-away ang lingkod ng Diyos; sa halip, dapat siyang maging mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay at matiyagang guro." (2 Timoteo 2:23-24, Magandang Balita Biblia)

Dahil diyan patuloy akong nagsaliksik ng husto, at lalo na ang pag-aaral ng Biblia at ng paggabay ng Simbahan at ng kanyang mga turo. Dahil diyan sa 11 taon ng aking pagsusuri at pagsisiyasat sa aking pananampalataya at dahil na rin sa pagnanais ko na matulungan din ang iba na makilala ang aking pananampalataya ibig kong tumugon sa panawagan ng Simbahan na ipagtanggol ang pananampalatayang katoliko, yan ay base sa panawagan na binanggit din ng mga Apostol sa kanilang mga isinulat:

"Ipaglaban mo ang mabuting laban ng pananampalataya, kamtin ang buhay na walang hanggan. Dahil dito kaya ka hinirang at kaya mo ipinahayag ang magandang patotoo sa harap ng maraming saksi."  (1 Timoteo 6:11-12, Biblia ng Sambayanang Pilipino)

"Idambana ninyo sa inyong puso si Cristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag." (1 Pedro 3:15-16, Magandang Balita Biblia)

"Ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkaloob  minsan at magpakailanman sa mga banal." (Judas 3, Magandang Balita Biblia)

Bilang tugon sa mga panawagan na iyan ng mga apostol ay aking sinamantala ang pagkakataon na pag-aralang mabuti ang aking pananampalataya at kung paano ko ito mamahalin at maipagtatanggol. Noong una marami pa akong mga di nasasagot pero sa pamamagitan ng aking pagreresearch at pagtatanong at unti unti kong nalalaman ang katotohanan. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng katotohanan ay nasa simbahang katolika, dahil ito ay ang:
"Sambahayan ng buhay na Diyos, sa iglesya na siyang haligi at saligan ng katotohanan."  (1 Timoteo 3:15, Magandang Balita Biblia)

Dahil diyang kaya nagsimula akong maging aktibo sa apolohetika at nahilig sa pag-aapolohetika dahil alam ko sa huli na:

"Makikilala ninyo ang katotohanan , at ang katothanan ang magpapalaya sa inyo." (Juan 8:32, Magandang Balita Biblia)

Friday, June 22, 2012

KAPAREHO BA NG PAGKASUGO KAY JUAN BAUTISTA ANG PAGKASUGO KAY FELIX MANALO?



isinulat ni:
Christopher Garcia

Ayon sa isang kaanib ng Iglesia Ni Cristo na si Rodante Aguilar, na itinatag ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang facebook post ay ganito ang kaniyang sinabi:

Hindi naman mahalaga ang pagkilala ng international bible schoolars, para paniwalaan mo, hindi naman yan ang AUTHORITY na aming kinikilala,t sinasampalatayanan, ang nasa biblia sa Roma 10:14-15,.Paano nga sila magsisitawag doon sa hindi nila sinasampalatayanan at paano silang magsisisampalataya sa kanya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?.. At paano silang mangangaral, kung hindi sila mga sinugo?...."

     Ayon sa kanya ano daw ang esensya ng paniniwala sa ginawa ng mga bible scholars kung hindi naman daw sila isinugo at ang kanyang sabi ay ganito daw ang nakasulat sa Roma 10:14-15:

“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan?at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? At paano sila magsisisampangaral, KUNG HINDI SILA ANG MGA SINUGO?”

Una,paano niya nasabing hindi isinugo ang mga international Bible scholars? Dahil kung ating titignan karamihan sa mga Bible scholars ay paring katoliko.At ang isa sa mga sinasampalatayanan ng Iglesia Katolika ay ang Sakramento ng Banal na Orden  o ang pagpapatong ng kamay sa mga pari katulad ng ginawa ng mga apostol sa pagsusugo ng mga tagapangaral, tignan natin ang Banal na Kasulatan ukol dito:

““Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila’y mangapakapanalangin na, ay IPINATONG NILA ANG KANILANG MGA KAMAY SA MGA  YAON.” (Gawa 6:6)

“Nang magkagayon, nang sila’y makapagayuno na at makapanalangin at MAIPATONG ANG MGA KAMAY NILA SA KANILA,AY KANILANG PINAYAON SILA.” (Gawa 13:3)

      Naniniwala ako na isa rin yan sa mga karaniwang ginagawa at sinasampalatayanan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ni Ginoong Felix Manalo, dahil kung ating tatanungin ang kanilang mga ministro ng ganitong tanong “Sino ang nagsugo at nagorden sa iyo para mangaral?”  ang kaniyang isasagot ay si Kapatid na Eduardo Manalo,  kapag iyong tanungin ulit siya ng ganito “Sino naman ang nag-ordena kay Kapatid na Eduardo Manalo?” , ang sagot niya ay ‘Si Kapatid na Erano Manalo ang nag-ordena sa kanya.”  Kapag tinanong mo ulit siya ng ganito “Sino naman ang nagsugo at nag-ordena kay Kapatid na Erano Manalo?”   ang kaniyang isasagot ay ganito ‘Si Kapatid na Felix Manalo po ang nagsugo at nag-ordena sa kaniya.”  At kapag muli mo siyang tinanong ng ganito “Kung gayon ay sino ang nag-ordena kay Kapatid Na Felix Manalo?”.  Wala silang maisagot dahil  alam nila na walang isa man na naging kaanib na ng Iglesia Ni Cristo ang kailanma’y nag-ordena at nagsugo kay Ginoong Felix Manalo. Kaya nga may sinabi ang Panginoong Diyos sa mga nagsasabing sila daw ay isinugo gayong hindi naman:

“Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma’y nagsitakbo sila: ako’y hindi nagsalita  sa kanila, gayon ma’y nanghula sila.” (Jeremias 23:21)

       Kaya di kagulat-gulat na walang katibayan ang INC na si Ginoong Felix Manalo ay inordenahan at isinugo buhat sa mga apostol. Eh paano naman ang mga paring iskolar sa Biblia? Sila ay mga isinugo dahil sa bias ng ordenasyon na kanilang natanggap. Kung ikaw ay magtatanong sa isang pari o Obispo ay ganito ang kanilang sasabihin, “Sa isa pang Obispo na namuno sa lugar na ito.”   At makikita na natin na walang patid ang pagpapatong ng kamay na naging kaugalian na ng Iglesia Katolika sa mahigit 2000 taon buhat pa mismo sa mga apostol. Dahil diyan sinabi ni Apostol San Pablo kay Timoteo ang kahalagahan ng pagpapatong ng mga kamay:

“Huwag mong pabayaan ang kalooban na nasa iyo, na sa iyo’y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may PAGPAPATONG NG MGA KAMAY NG KAPULUNGAN NG MGA PRESBITERO.” (1 Timoteo 4:14)

“Dahil dito ay ipinaaalala ko sa iyo na paningain mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng PAGPAPATONG NG AKING MGA KAMAY.” (2 Timoteo 1:6)

     Kahit si Apostol Pablo ay isinugo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Ananias:

“At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at IPINATONG ANG KANIYANG MGA KAMAY SA KANIYA na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga’y si Jesus, na sa iyo’y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ng Espiritu Santo.” (Gawa 9:17)

      Kahit sa Lumang Tipan ang walang hanggang pagkasaserdote ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagpapahid ng langis:

“At iyong PAPAHIRAN NG LANGIS sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila’y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila’y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.” (Exodo 40:15)

        Kahit si Josue na Anak ni Nun na siyang isinugo at itinalaga ng Panginoon upang pumalit kay Moises sa pangunguna sa bayang Israel ay siyang isinugo sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Moises:

“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at IPATONG  MO ANG IYONG KAMAY SA KANIYA.” (Bilang 27:18)

“At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka’t IPINATONG NI MOISES ANG KANIYANG MGA KAMAY SA KANIYA; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.” (Deuteronomio34:9)

      Ang pagkasugo din naman sa mga apostol ay kaiba sa pagkasugo sa mga kahalili nila dahil ang mga apostol ay isinugo sa pamamagitan ng pagsusugo ng Espiritu Santo sa kanila sa panahon ng Pentecostes:

“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes,silang lahat ay nangagkatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langitang isang ugong gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy na nagkabahabahagi;at dumapo sa bawa’t isa sa kanila.At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang salitain.” (Gawa 2:1-4)

      Paano nasabing noong panahon ng Pentecostes natanggap ng mga apostol ang pagkasugo, si Jesus mismo ang nagsabi sa kanila bago siya umakyat sa langit:

“Datapuwa’t TATANGGAPIN NINYO ANG KAPANGYARIHAN, PAGDATING SA INYO NG ESPIRITU SANTO: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem,at sa buong Judea at Samaria,at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” (Gawa 1:8)

      Gayundin ay isinugo ng Panginoong Jesus ang mga apostol noong panahon ng kaniyang Muling Pagkabuhay kung saan hiningahan niya sila ng Espiritu Santo:

“Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus,Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman SINUSUGO KO KAYO.
At nang masabi niya ito, sila’y HININGAHAN NIYA, AT SA KANILA’Y SINABI, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO:
Sinomang inyong patawarin sa mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila;sinomang hindi inyo patawarin ng mga kasalanan,ay hindi pinatatawad.” (Juan 20:21-23)

Ikalawa, ang mga iskolar ng Biblia ay hindi nagtuturo ng mga bagong aral bagkus ay kanilang iniingatan ang napakatandang tradisyon ng mga apostol,at kanilang pinahahalagahan ang matandang tradisyon ng pagsasalin ng Banal na Kasulatan at sa pag-iinterpret nito. Dahil sinabi mismo ni Apostol Pedro patungkol sa mga walang alam at mga taong pinipilit ipaliwanag ang Biblia sa kanilang sariling palagay:

“Na malaman muna ito,na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa SARILING 
PAGPAPALIWANAG.” (2 Pedro 1:20)

     Dahil diyan binabalaan tayo ni Apostol San Pedro patungkol sa mga taong walang kaalaman na mahilig baluktutin ang mga talata lalo na yung mga mahirap unawain para lamang sa kanilang pansariling interes:

“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat,na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na ISINISINSAY NG MGA DI NAKAAAALAM AT NG MGA WALANG TIYAGA,NA GAYA RIN NAMAN NG KANILANG GINAGAWA SA IBANG MGA KASULATAN SA IKAPAPAHAMAK DIN NILA.” (2 Pedro 3:16)

         Pagdating naman sa turo ng INC ay ganito ang sinasabi ng kanilang PASUGO kung sino ang umakda ng kanilang mga katuruan:

At sino nga ba ang gumagawa ng mga LEKSIYONG ITINUTURO NG MGA MINISTRO, maging SA MGA PAGSAMBA, MGA DOKTRINA  o MGA PROPAGANDA? ANG KAPATID NA FELIX MANALO.” (PASUGO, Mayo 1961, p. 4)

“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang LAHAT NG MGA ITINUTURONG MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO SA MGA PAGSAMBA, SA MGA DOKTRINA, SA MGA PAMAMAHAYAG SA GITNA NG BAYAN, ay si KAPATID NA FELIX MANALO LAMANG ANG BUMABALANGKAS AT NAGTUTURO  SA KANILA.” (PASUGO, Mayo 1963, p. 27)

       Ang mga Paring iskolar naman sa Biblia ay hindi nagtuturo ng sarili nilang doktrina o aral, bagkus ay kanilang itinuturo lang ang matagal nang turo ng Iglesia Katoliko buhat pa sa panahon ng mga unang Kristiyano at panahon ng mga apostol. Ang kaniyang palaging pamantayan ay ang Banal na Kasulatan at Banal na Tradisyon alinsunod na rin sa sinabi ni Apostol San Pablo sa kaniyang mga isinulat:

“Kaya nga,mga kapatid,kayo’y manindigang matibay at inyong panghawakan ang MGA TRADISYON na sa inyo’y itinuro naming,maging sa PAMAMAGITAN NG SALITA, O NG SULAT MULA SA AMIN.” (2 Tesalonica 2:15, Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)

“Aming ipinag-uutos ngayon sa inyo mga kapatid, sa pangalanng ating Panginoong Jesu-Cristo,na kayo’y lumayo sa bawat kapatid na namumuhay sa katamaran,at hindi AYON SA TRADISYON NA TINANGGAP NILA SA AMIN.”(2 Tesalonica 3:6, Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)

“Pinupuri ko kayo,sapagkat sa lahat ng mga bagay ay naaalala ninyo ako, at pinananatili ninyong matibay ang MGA TRADISYON NA GAYA NG IBINIGAY KO SA INYO.” (1 Corinto 11:2,Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)
Ang Pagkasugo ni Ginoong Felix Manalo ay katulad ng pagkasugo kay Juan Baustista

      Isa sa mga idadahilan ng mga kaanib ng INC ang ganito “Bakit si Juan Bautista, isinugo siya ng Diyos ngunit hindi naman naordenahan saka wala naming nagpatong ng kamay sa kaniya ha, kaya ganun din an gaming Kapatid na Felix Manalo na isinugo mismo ng Diyos.”

         Ganito ang tanong diyan “Paano ka nakakasiguro na magkatulad nga sa pagkasugo sina Felix Manalo at Juan Bautista?”  Tignan natin kung paano isinugo si Juan Bautista, si Juan Bautista ay anak ng paring si Zacarias at ni Elisabet na pinsan ni Maria na Ina ni Jesucristo. Ang palaging dahilan ng mga INC sabi nila na ang isang palatandaan na magparehas sila ni Felix Manalo ay pareho daw silang katuparan ng mga hula,gayundin ay pareho silang isinugo diretso ng Diyos, isang indikasyon at patunay na si Ginoong Felix Manalo daw ay isinugo. Pero kung titingnan natin ng maigi ang dalawa ay talagang hindi totoo na magparehas sila dahil si Juan Bautista ay hindi lamang inihula bagkus ay pinatunayan pa siya ng isang anghel na napakita sa kaniyang mga magulang, ganito ang sinasabi ng kasulatan:

“Datapwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkakapanganak sa kaniya.
 Sapagka’t siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya’y hindi iinom ng alak na matapang na inumin; at siya’y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
AT MARAMI SA MGA ANAK NI ISRAEL, AY PAGPAPABALIKING-LOOB NIYA SA PANGINOON NA KANILANG DIOS.
At SIYA’Y LALAKAD SA UNAHAN NG KANIYANG MUKHA NA MAY ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN NI ELIAS,  upang PAPAGBALIKING-LOOB ANG MGA PUSO NG MGA AMA SA MGA ANAK,AT ANG  MGA SUWAIL AY MAGSILAKAD SA KARUNUNGAN  NG MGA MATUWID,UPANG IPAGLAAN ANG PANGINOON NG ISANG BAYANG NAHAHANDA.” (Lucas 1:13-17)

      Diyan pa lang sa winika ng anghel sa kaniyang Amang si Zacarias ay kaiba na si Juan Baustista kay Felix Manalo dahil, pinatunayan ni anghel Gabriel na ang magiging anak ni Zacarias ay tatawaging JUAN, at siyang katuparan ng mga hula. Ibig sabihin ang anghel mismo ang nagbigay ng pangalan kay Zacarias, hindi katulad ni Felix Manalo na walang nagbigay na anghel ng pangalan sa kaniya upang mapatunayan na siya ng ang isinugo. Dahil kung mapapansin natin ay si Juan nga ang katuparan ng mga hula ng mga propeta ayon sa winika ng anghel at ito ang mga hula na iyon:

“ Narito AKING SUSUGUIN SA INYO  SI  ELIAS NA PROPETA bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
 AT KANIYANG PAPAGBALIKING-LOOB ANG PUSO NG MGA AMA SA MGA ANAK, AT ANG PUSO NG MGA ANAK  SA KANILANG MGA MAGULANG.” (Malakias 4:7-6)

“Narito, aking SINUSUGO ANG AKING SUGO,AT SIYA’Y MAGHAHANDA,NG DAAN SA HARAP KO: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.” (Malakias 3:1)

“Ang tinig ng isang sumisigaw,IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.” (Isaias 40:3)

      Ang pagkasugo kay Juan Bautista ay katulad ng pagkasugo kay Isaac, eto at ating tignan kung paano sila isinugo sa pamamagitan ng pagpapatunay ng isang anghel:

“At sinabi ng Dios,Hindi,kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo at tatawagin mo ang kaniyang ngalang ISAAC; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.” (Genesis 17:19)
       
           Dito pa lang ay malinaw na ibang-iba ang pagkakasugo ni Juan Bautista sa pagkasugo kay Felix Manalo.Dahil si Juan Bautista ay inihula at pagkatapos ay pinatunayan ng anghel at binigyan siya ng pangalan. Isa pang katangian patungkol sa pagkasugo kay Juan Bautista ay kung saan hindi nagpalipat-lipat ng relihiyon o sekta si Juan Bautista para sabihing siya ay isinugo. Si Juan Bautista ay isinugo ayon na rin sa mga hula at itinakda ng anghel. Ngunit si Ginoong Felix Manalo ay saka lamang niya natanto na siya pala ay isinugo pagkatapos niyang magkulong sa kaniyang kwarto sa pagbabasa lamang ng Biblia at ilang babasahing panrelihiyon. Isa bagay na hindi ginawa ni Juan Bautista,maaring namalagi si Juan Bautista sa ilang, ngunit ang pagkasugo sa kaniya ay di tulad ng kay Felix Manalo.Kung ating mapapansin na ang mga ministro ng INC ay mahilig gumamit ng maraming salin ng Biblia, upangg mapatunayan na sila nga ang tama, ngunit wala man lang silang maisalin ni isang Biblia.
            
              Kapag minsan na may nakakausap tayong INC kapag alam nila na ang isang talata ay di papabor sa kanila, ganito ang palagi nilang sinasabi “Mali ang pagkakasalin niyan.”  Ang nakapagtataka sa kanila, paano nila masasabing mali ang pagkakasalin ng isang talata kung wala naman silang alam sa siyensya ng pagsasalin ng Biblia ni isa man lang kaalaman patungkol sa mga orihinal na wika ng Biblia. Kung kanilang sasabihin na mali ang salin ng talata na iyon, bakit hanggang ngayon ay wala silang magawa na isang opisyal na salin ng Biblia at patuloy pa rin sila sa paggamit ng mga Bibliang hindi naman sa kanila.

Totoo ba ang Immaculada Concepcion? Ipinanganak ba si Maria na walang bahid kasalanan?



isinulat ni 
Christopher Garcia
  

  Ang dogma ng Immaculada Concepcion ay isa sa mga pangunahin at mahahalagang turo ng Iglesia Katolika patungkol ito sa walang salang paglilihi kay Maria, ito ay idineklara ni Papa Pio IX sa kanyang Papal Bull na pinamagatang “Inefabilis Deus” noong Disyembre 8, 1854 na nagsasabing:

We declare, pronounce and define that the doctrine which holds that the Blessed Virgin Mary, at the first instant of her conception, by a singular privilege and grace of the Omnipotent God, in virtue of the merits of Jesus Christ, the Saviour of mankind, was preserved immaculate from all stain of original sin, has been revealed by God, and therefore should firmly and constantly be believed by all the faithful.”

        Noong bata pa ako noong minsang naimbitahan ako ng mga born again  sa kanilang vacation bible school  isa sa mga karaniwang inatake nila ay ang dogma ng Immaculada Concepcion na eksaktong siya naming patrona ng aming komunidad, ang mga karaniwang talata na kanilang ginagamit ay ang Roma 3:23 at Lucas 1:47, sabi nila na huwag daw naming paniwalaan ang Immaculate Conception dahil wala daw ito sa Biblia, tignan natin ang mga talatang kanilang nabanggit:
Ayon sa Roma 3:23 ay ganito ang sinasabi:

“Sapagka’t ang LAHAT AY NANGAGKASALA nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”

  Ayon sa kanila na si Maria hindi kaiba sa mga tao na siyang nagmana ng kasalanan nina Adan at Eba kaya pinatutunayan na hindi siya malinis na ipinaglihi, kung saan dahl ang isinasaad ng talata ay patungkol sa lahat marapat lamang ayon sa mga di katoliko na kasama na rin dito si Maria ang Ina ni Jesus. Ayon sa kanila na si Maria na daw mismo ang nagsabi na nangangailangan din daw siya ng tagapagligtas tulad ng kanya daw sinabi sa Lucas 1:47 na ganito ang sinasabi:

“At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking TAGAPAGLIGTAS.”

    Ayon sa kanila malinaw na malinaw na hindi Immaculada si Maria dahil kahit paano ay nangangailangan din siya ng Tagapagligtas. Sa unang tingin ay mukha ngang may punto ang sinasabi ng mga born again patungkol sa Immaculada Concepcion, ngunit ganito naman ang sagot ko sa kanila na 11 taon kong pinag-aralan at natuklas maipakita na totoong ipinaglihi nga si Maria na walang kasalanan sa pamamagitan ng simpleng lohika sa Banal Na Kasulatan.

     Ang una muna nating itanong sa ating sarili ay ano ba ang kasalanan, ano ba ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa kasalanan, halina at ating tignan:

Ayon kay Apostol San Juan ang kasalanan ay:

“Ang sinomang GUMAGAWA NG KASALANAN ay SUMASALANSANG sa KAUTUSAN:at ang KASALANAN ay ang PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN.” (1 Juan 3:4)

“Lahat ng KALIKUAN ay KASALANAN…” (1 Juan 5:17)

Gayundin naman ang sinabi ni Apostol Santiago patungkol sa bunga ng kasalanan:
“Kung magkagayo’y ang kahalayan,kung maipaglihi ay nanganganak ng KASALANAN: at ang KASALANAN, pag malaki na ay namumunga ng KAMATAYAN.” (Santiago 1:15)
 Dahil dito ay may sinasabi si Apostol San Juan patungkol sa kung anong klase ng tao ang namumuhay sa kasalanan:

“Ang GUMAGAWA NG KASALANAN AY SA DIABLO; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang Diablo.” (1 Juan 3:8)

    Dahil sa alam na natin kung ano ba ang kasalanan at kung ano ba ang bunga nito at kung anong klase ban g tao ang namumuhay sa kasalanan, atin naming alamin kung sino ang anak na ipinaglihi ni Mariang Birhen na siya nating tagapagligtas an gating Panginoong Jesus mismo ganito ang sinasabi ng kasulatan patungkol sa kanya:

”At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILILIGTAS NIYA ang kaniyang bayan sa kanilang KASALANAN.” (Mateo 1:21)

“Narito ang Cordero ng Dios; na NAGAALIS NG KASALANAN NG SANGLIBUTAN!” (Juan 1:29)

“At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang MAGALIS NG MGA KASALANAN,at sa KANIYA’Y WALANG KASALANAN.” (1 Juan 3:5)

“Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, UPANG IWASAK ANG MGA GAWA NG DIABLO.” (1 Juan 3:8)

      Dahil dito si Jesus ang katuparan ng hula na ipinahayag ng Diyos sa ahas patungkol sa binhi ng babae na siyang magiging kaaway niya at siya ring dudurog sa kanyang ulo, parehas sila ng kanyang ina na magiging kaaway ng ahas ganito ang sinasabi sa unang aklat ng Genesis:

“At PAPAGALITIN ko IKAW at ang BABAE,at ang IYONG BINHI at KANIYANG BINHI: ITO ang DUDUROG  ng IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)

 Dahil dito malinaw na magiging magkaaway ang mesiyas at ang Diablo, kaya imposible na si Maria ay may bahid ng kasalanan,dahil katulad ng nasaksihan natin kanina na ang sinomang nagkakasala ay sa Diablo, dahil doon si Maria kung gayon ay magiging alipin ng Diablo, gayong siya rin ang maglilihi sa kaaway ng aha sang Diablo. Maari bang magkasundo ang Diyos at si Satanas ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:

“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o ANONG PAKIKISAMA MAYRON ANG KALIWANAGAN AT KADILIMAN?
At ANONG PAKIKIPAGKASUNDO MAYROON SI CRISTO KAY BELIAL?o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
At ANONG PAKIKIPAGKAISA MAYROON ang TEMPLO NG DIOS SA MGA DIOSDIOSAN? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’ymagiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga,
Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo’y aking tatanggapin,
At ako sa inyo’y magiging ama, At sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” (2 Corinto 6:14-18)

   Dahil dito ay kapag ganyan ang nangyari na may sinabi si Kristo patungkol sa isang kahariang naglalaban laban, paano ngayon tatayo si Satanas kung nilalabanan niya ang kanyang sarili:

“At sila’y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi niya sa kanila sa mga talinghaga, PAANONG MAPAPALABAS NI SATANAS SI SATANAS?
At kung ang isang kaharian ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.
At kung ang isang bahay ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon.
At kung MAGHIHIMAGSIK SI SATANAS LABAN SA KANIYANG SARILI, AT MAGKAKABAHABAHAGI, HINDI SIYA MAKAPANANANATILI, KUNDI MAGKAKAROON NG ISANG WAKAS.”(Marcos 3:23-26)

  Dahil diyan sinasabi din sa Banal na Kasulatan na walang anuman ang pwedeng humarap sa Panginoon na may maruming puso:

“At hindi papasok doon sa anomang bagay na KARUMALDUMAL o siyang GUMAGAWA NG KASUKLAMSUKLAM at ng KASINUNGALINGAN.” (Apocalipsis 21:27)
    Gayundin ay pinatutunayan ito nina Propeta Isaias, at Zacarias:

“Sapagka’t ako’y napahamak; sapagka’t ako’y lalaking may MARUMING LABI, at ako’y TUMATAHAN SA GITNA NG BAYAN NA MAY MARUMING LABI.”  (Isaias 6:5)

“Hubarin ninyo ang mga MARUMING SUOT sa kaniya.” (Zacarias 3:4-7)

   Sinabi din mismo ni Jesus na mapalad ang may malinis na puso sapagka’t makikita nila ang Dios:

“Mapapalad ang mga may MALINIS NA PUSO: sapagka’t MAKIKITA NILA ANG DIOS.” (Mateo 5:8)

    Dahil diyan, marapat lamang na ang Panginoon ay Manahan sa isang dalisay,malinis at banal na lugar. Kung si Maria ay may bahid kasalanan hindi siya karapat dapat na maging Ina ng Panginoon dahil siya hindi malinis bagkus ay isang babaeng may maruming labi na naninirahan sa isang bayang may maruruming labi tulad na rin ng sinabi ni Isaias. Dahil diyan ay nilinis ng Panginoon ang Mahal na Birheng Maria upang ipaghanda niya ng isang malinis at dalisay na tirahan ang kanyang Anak, ang Verbong nagkatawang tao,dahil siya ay isinilang buhat sa Diyos, dahil diyan ayon kay Apostol Juan na ang sinomang nananahan sa Panginoon ay hindi nagkakasala:

“Ang SINOMANG NANANAHAN SA KANIYA HINDI NAGKAKASALA; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya.” (1 Juan 3:6)

Ang sinomang IPINANGANAK NG DIOS  AY HINDI NAGKAKASALA, sapagka’t ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya at siya’y HINDI MAAARING MAGKASALA SAPAGKA’T SIYA’Y IPINANGANAK NG DIOS.” (1Juan 3:9)

      Dahil diyan malinaw na ipinapakita ang lohika na ipinapakita ng Banal na Kasulatan na ang Mahal na Birhen ay nailigtas mula sa kasalanang mana mula sa sinapupunan ng kanyang inang si Ana.  Kaya diyan pa lang ay talagang  nangailangan ang Mahal na Birhen ng Tagapagligtas at ang Diyos yun,hindi siya magiging Immaculada kung hindi niya siya ililigtas mula sa kasalanang mana na ito. Kung baga nailigtas na ang Mahal na Birheng Maria in advance.

      Kaya nga noong binati ng Arkanghel Gabriel si Maria ay tinawag niya siyang napupuno ng grasya day dahil, sa una pa lang ay pinuno na ng Panginoon ng lahat ng grasya ang Mahal na Birhen upang ipaghanda siya sa kaniyang misyon bilang maging ina ng Tagapagligtas:

“Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya,”Magalak ka,PUSPOS-NG-BIYAYA, ang Panginoon ay sumasaiyo.” (Lucas 1:28,Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)

“Datapwat sinabi sa kanya ng anghel,” Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging KALUGOD-LUGOD KA SA MATA NG DIYOS.” (Lucas 1:30, Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)

      Dahil siya ay naging kalugod lugod sa Diyos kaya siya napili upang maging Ina ng Mesiyas ang Kristong Panginoon na tatalo kay Satanas,kaya nga sa aklat pa lang ng Genesis ay sinabi na ng Diyos na ang babae ay magiging kaiba kay Eba na sumuko sa tukso ng demonyo, di katulad ni Maria na sumunod sa kalooban ng Diyos,kaya si Maria at ang diyablo ay lagging mag-aaway:

“At PAPAGAALITING KO IKAW AY ANG BABAE, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)

    Kaya sa huli lalo na sa aklat ng apocalipsis ay inihayag ni Juan na ang dragon ay may matinding galit sa babae:

“At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, ay umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mg autos ng Dios at mga may patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 12:17)

   Halos 11 taon bago ko lubos na nagpag-aralan at natuklasan ang buong lohika ng Simbahan patungkol sa Immaculada Concepcion ni Maria, dahil kung titignan ay talagang nakalagay sa Banal na Kasulatan ang Immaculada Concepcion kaya ito ay dapat sampalatayanan.

BAKIT TINATAWAG NG MGA KATOLIKO NA "FATHER ANG ISANG PARI?



isinulat at nirebisa ni 
Christopher Garcia



           Minsan kapag nakakarinig ang isang di katoliko ng isang katolikong tumatawag sa isang pari ng ‘Father’  ganito ang kanyang sasabihin “Brother, bakit mo tinatawag yung pari na ‘Father’? alam mo bang bawal yan dahil si Jesus mismo ang nagbawal niyan basahin mo yung Mateo 23:9’.Siyempre magugulumihanan yung katoliko dahil mababasa nga naman niya sa Biblia ang ganito:

“At huwag ninyong tawaging inyong AMA ang sinomang tao sa lupa; sapagka’t uusa ang inyong AMA sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.” (Mateo 23:9)

           Mukha ngang ipinagbabawal nh Panginoong Jesus ang pagtawag ng Father,  pero may isa pang pahabol na tanong para sa mga di katoliko, saan nakasulat sa Biblia na pinayagan ni Jesus na tawaging Pastor ang mga Pastor nila? Tulad ng Pastor Joseph, Pastor Arnold?  Diba si Jesus lang ang mabuting Pastor at wala nang iba pa bakit sila patatawag na mga Pastor? Tignan natin ang sinabi ni Jesus:

“Ako ang MABUTING PASTOR; at nakikilala ko ang sariling aking, at ang sariling akin ay nakikilala ko.” (Juan 10:11)

    Ganun din ang pinatutunayan ng aklat ng apocalipsis:

“Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging PASTOR nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata.” (Apocalipsis 7:17)

     Ganito naman ang sasabihin ng mga Born Again at mga di-katoliko, “eh nasa Biblia kaya na pwede silang tawaging mga Pastor! Tignan mo  kaya yung Efeso 4:11 mababasa mo yun doon.” 

Oh? Talaga tignan natin ang talata kung ganun:

“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y  PASTOR  at mga guro.” (Efeso 4:11)

        Nasaan diyan na pwedeng tawaging pastor ang mga pastor? Wala naman sinasabi sa talata diyan na pwedeng tawagin na Pastor  ang iba. Saka ang sinasabi ng talata ay ganito:

“At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y  pastor  at MGA GURO.” (Efeso 4:11)

       So pwede rin palang tawaging Guro ang sinoman, diba isa rin yan sa mga ipinagbawal sa Mateo 23  na ganito ang sinasabi:

“Datapuwa’t kayo’y huwag patawag na RABI: sapagka’t iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.” (Mateo 23:8,Ang Biblia)
    
     Gayundin naman ang nakasulat sa salin ng Magandang Balita Biblia  na may imprimatur ni Jaime Cardinal Sin, Archiepiscopus Manilensis, Mayo 28, 1980, kung saan ganito ang sinasabi:
“Ngunit kayo-huwag kayong patawag na GURO, sapagkat iisa ang inyong GURO, at kayong lahat ay magkakapatid.”  (Mateo 23:8)

 Kahit sa wikang ingles ng Bibliang Katoliko at Protestate ay ganito rin ang sinasabi:

Ayon sa Bibliang Protestante:

“But be not ye called RABBI: for one is your Master, even Christ; and all ye are brethren.” (Matthew 23:8,King James Version)

“But you are not to be called ‘RABBI’, for you have only one Master and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New International Version)

"But do not be called RABBI; for One is your TEACHER, and you are all brothers." (Matthew 23:8,New American Standard Version)

"But you are not to be called RABBI(TEACHER), for you have one TEACHER and you are all brothers." (Matthew 23:8,Amplified Bible)

"But as for you,do not be called 'RABBI,because you have TEACHER,and you are all brothers." (Matthew 23:8,Christian Standard Bible)

"Don't let anyone call you 'RABBI' for you have ONLY ONE TEACHER,and all of you are equal as brothers and sisters." (Matthew 23:8, New Living Translation)

Ayon naman sa Bibliang Katoliko:

“But be not you called  RABBI. For one is your master; and all you are brethren.” (Matthew 23:8, Douai Rheims Version)

“As for you, do not be called ‘RABBI’. You have but ONE TEACHER, and you are all brothers.” (Matthew 23:8,New American Bible-Revised Edition)

“You, however must not allow yourselves be called RABBI, since you have only one Master, and you are all brothers.” (Matthew 23:8, New Jerusalem Bible)

"But you are not to be called RABBI,for you have one TEACHER, and you are all students." (Matthew 23:8, New Revised Standard Version-Catholic Edition)

"You must not be called 'TEACHER', because you are all equal and have ONLY ONE TEACHER."(Matthew 23:8,Good News Bible with Deuterocanonicals)

      Kitang kita na kahit na aling salin ng Bibliang Katoliko o Protestante na ang ipinagbawal din pala ni Jesus na patawag ang sinuman na guro. Kung gagamitin ng mga di katoliko ang Efeso 4:11  bilang patunay na maaring tawaging pastor ang mga pastor nila, eh di pwede rin palang tawaging Guro  ang isang tao gayong sinabi mismo ni Jesus na huwag daw patatawag na guro gayong nakasulat sa Efeso ang salitang guro katabi pa mismo at kasunod ng salitang pastor.

    Tignan naman natin sa Banal na Kasulatan patungkol sa spiritual father, tinatawag ni Pablo ang kaniyang sarili bilang Ama:

“Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo’y hiyain,kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na ANAK. Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming MGA AMA; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” (1 Corinto 4:14-15)

 Tinawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig na mga magulang:

“At sinabi niya,”Mga kapatid na lalake at mga MAGULANG,mangakinig kayo...” (Gawa 7:2)

Tignan naman natin sa salin ng Biblia sa ingles:

“To this he replied: “Brothers and FATHERS listen to me!(Acts7:2,New International Version)

“And he said, Men, brethren, and FATHERS, hearken.” (Acts 7:2,King James Version)

“Who said: Ye men, brethren, and FATHERS, hear.” (Acts 7:2,Douai Rheims)

“He replied, ‘My brothers, MY FATHERS ,listen to what I have to say.” (Acts 7:2, New Jerusalem Bible)

“And he replied, “My brothers and FATHERS, listen.” (Acts 7:2,New American Bible-Revised Edition)

“He answered, “Brothers and FATHERS, listen to me.” (Acts 7:2,Christian Community Bible)

    Kahit na anong salin ng Bibliang katoliko at protestante sa ingles ay malinaw na tinatawag din ni Esteban ang kaniyang mga tagapakinig hindi lamang bilang kapatid kundi bilang mga ama.
     Gayundin sa Lumang Tipan ay tinatawag din na AMA ang ilan sa mga propeta at hinirang ng Dios:

Tinawag si Propeta Elias na Ama ni Eliseo:

“At  nakita ni Eliseo, at siya’y sumigaw. AMA KO, AMA KO, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon” At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.” (2 Hari 2:12)

 Bakit tatawagin na “Ama” ni Eliseo si Propeta Elias gayong hindi naman niya ito anak, dahil si Eliseo ay Anak ni Saphat:

“Sa gayo’y umalis siya roon at nasumpungan niya si ELISEO  NA ANAK NI  SAPHAT....” (1Hari 19:19)

 Gayundin si Propeta Eliseo ay tinawag ding Ama ni Joas ang hari ng Israel:

“Si Eliseo nga ay nagkasakkit ng sakit na kaniyang ikinamatay; at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, AMA KO, AMA KO, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon.” (2 Hari 13:14)

 sa salin ng Magandang Balita Biblia  ay ganito ang sinasabi:

“Si Eliseo ay nagkasakit nang malubha at dinalaw siya ni Haring Joas ng Israel. Lumuluha nitong sinabi, “Paano kami ngayon,AMA na lakas at pag-asa ng Israel?” (2 Hari 13:14)

   Hindi naman anak ni Eliseo si Joas bakit siya tinatawag nito na Ama? Diba ayon sa nakasulat si Joas ay anak ni haring Joachaz ng Israel:

“Nang ikatatlongpu’t pitong taon si Joas na hari ng Juda ay nagpasimula si JOAS NA ANAK NI JOACHAZ na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing  anim na taon.” (2 Hari 13:10)

 Sa aklat ni Propeta Isaias ay nabanggit doon na hinirang si  Eliakim na Anak ni Hilcias na maging  AMA sa mga nananahan sa Jerusalem at sangbahayan ni Juda:

“At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias:
At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya’y magiging AMA SA MGA NANANAHAN SA JERUSALEM, AT SA SANGBAHAYAN NI JUDA.
At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya’y magbubukas, at walang magsasara; at siya’y magsasara, at walang magbubukas.” (Isaias 22:20-22)

      Ginawa ito ng Panginoon kapalit ni Sebna ang katiwala na itinakwil ng Panginoon:

“Ganito ang sabi ng Panginoon,ng Panginoon ng mga hukbo,Ikaw ay yumaon,pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga’y si SEBNA,na katiwala  sa bahay,at iyong sabihin...” (Isaias 22:15)

“At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal kita.” (Isaias 22:19)

       Kung gayon, ano bang ibig ipahiwatig ni Jesus sa kaniyang mga sinabi sa Mateo 23?  Kung ating mababasa ang kabuuan ng Mateo 23 ay makikita natin na hindi ipinagbawal ni Jesus ang pagtawag ng Ama, bagkus ay ang pagtutol niya sa maling paggamit ng mga Pariseo sa kanilang titulo para mapansin ng tao at angkinin ang karangalan sa kanilang sarili kaysa sa Diyos na pinanggsalingan ng lahat ng autoridad, ganyan ang naging paalala ni Jesus kay Pilato na ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan ay galing sa Diyos:

“Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi kay magkakaroon laban sa akin malibang ito’y ibinigay sa iyo mula sa itaas: kaya’t ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong 
malaking kasalanan.” (Juan 19:11)

Ito ay kabaligtaran sa ipinapakita ng mga Pariseo sa Mateo, dahil sinabi ni Jesus:

“Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. Lahat ngang mga bagay na sa inyo’y kanilang ipagutos ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3) 

     Malinaw na malinaw na ang pinatutungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng kapangyarihan ng mga Pariseo, dahil kung mababsa natin sa talata ay sinasabi diyan na sila ay nagsisiupo sa luklukan ni Moises, ibig sabihin sila ay may katungkulan bilang mga guro at dalubhasa ng Batas na magpaliwanag taglay ang awtoridad ni Moises, dahil sila ay umuupo sa luklukan ni Moises. Dahil dito, ginagamit ng mga Pariseo at Eskriba ang awtoridad na iyon hindi para sa paglilingkod kundi upang gamitin ito sa kasikatan at kapaimbabawan upang mapansin,papurihan at pagpugayan sila ng tao, at manipulahin ang iba gamit ang kapangyarihang ito:

“Oo,sila’y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao;datapuwa’t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. Datapuwa’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang MANGAKITA NG MGA TAO: sapagka’t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit, At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ng mga pangulong luklukan sa mga sinagoga, At pagpugayan sa mga pamilihan,at ang sila’y tawagin ng mga tao,Rabi.” (Mateo23:4-7)
     Kitang kita natin na ang tunay na pakay ng mga Pariseo at Eskriba ay ang pagpugayan sila ng mga tao at mapansin, kaya nga sinabi nga ni Jesus sa Ebanghelyo sa kanyang mga alagad na dapat silang mag-ingat sa kapaimbabawan ng mga Pariseo at Eskriba:
“At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan. Ang ibig nila ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan: Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” (Marcos 12:38-40)


    Dahil diyan may paalala si Jesus sa kanyang mga alagad patungkol sa tunay na kadakilaan:

“Datapuwa’t  sa inyo ay hindi gayon:kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna,ay magiging alipinng lahat. 
Sapagka’t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.” (Marcos 10:43-44)

gayundin aysinabi din niJesus na iniibig ng mga Pariseo na sila ay papurihan kaysa ang Diyos ang kanilang papurihan:

"Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios." (Juan 12:43)

kaya nga ito rin ay sinuportahan mismo ni San Pablo kung sino ang dapat nating papurihan:

"Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon." (2 Corinto 10:17)

 Gayundin ay ipinakita rin ni Jesus ang kahulugan ng paglilingkod sa pamamagitan niya ng pagbibigay ng halimbawa sa kanila sa pamamagitanng paghuhugas ng mga paa:

“Kung ako nga,na Panginoon at Guro,ay nahugas ng inyong mga paa,kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa.” (Juan 13:14)

        Isang halimbawa ng kababaang loob na hindi ipinagmamapuri ang sarili sa harapan ng tao ay si Juan Bautista, noong malaman niya na nagsisimula nang mangaral si Jesus at nawala na ang center of attraction  ng mga tao sa kanya ay ipinakita niya ang kanyang kababaang loob, dahil alam niyang walang awtoridad o kapangyarihan na hindi galing sa Diyos, kaya ginampanan niya lang ang kanyang tungkulin, na kabaligtaran sa ginagawa ng mga Pariseo:

“Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap  ng anoman ang isang tao,malibang ito’y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit. Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo,kundi , na ako’y sinugo sa unahan niya.” (Juan 3:27-28)

“SIYA’Y KINAKAILANGANG DUMAKILA, NGUNIT AKO’Y KINAKAILANGANG BUMABA.” (Juan 3:30)

     Dahil diyan si Juan Bautista na mismo ang nagsabi na walang anoman na matatanggap ang isang tao malibang ito’y ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. Ang mga Pariseo at Eskriba ay pinagkalooban ng awtoridad na mangaral at magturo sa mga tao bilang mga guro at tagapagpaliwanag ng Batas dahil taglay nila ang kapangyarihan ni Moises ang lingkod ng Diyos na siyang nagbigay ng Batas sa Israel. Kaya nga lang imbes na ibaba nila  ang kanilang sarili sa Diyos ay mas naging mapagmataas sila at ibig nilang purihin sila ng mga tao kaysa ng Diyos. Kung saan lahat ng kapangyarihan at  kapamahalaan ay nanggaling. Kaya nga sa unang kabanata ng Mateo 23 ay isinasalaysay ni Jesus patungkol sa katungkulan ng mga Pariseo at Eskriba:

“Nang magkagayo’y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, Na nagsasabi, NAGSISIUPO ANG MGA ESKRIBA AT MGA FARISEO SA  LUKLUKAN NI MOISES. LAHAT NGANG MGA BAGAY NA SA INYO’Y KANILANG IPAGUTOS AY GAWIN NINYO AT GANAPIN: datapuwa’t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka’t kanilang sinasabi,at hindi ginagawa.” (Mateo 23:1-3)

     Malinaw na ang ibig talagang patungkulan ni Jesus ay ang maling paggamit ng mga Pariseo ng kanilang katungkulan para mapansin ng tao. Dahil nagsisiupo sila sa luklukan ni Moises, kaya nga sinasabi din ni Jesus na anuman ang kanilang ituro at ipagutos ay dapat gawin at ganapin ngunit may exemption dahil pinaalalahanan din sila ni Jesus na huwag nga lang nilang gayahin o sundin ang ginagawa ng mga Pariseo na kapaimbabawan. Gayundin si San Pablo na kahit na may masamang hangarin ang punong pari sa kaniya ay kinikilala pa rin niya ang awtoridad nito bilang punong pari:

“At sinabi ni Pablo,Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya’y dakilang saserdote: sapagka’t nasusulat: HUWAG KANG MAGSASALITA NG MASAMA SA ISANG PINUNO NG IYONG BAYAN.” (Gawa 23:5)

Yan ay alinsunod sa nasusulat:

“Huwag mong lalapagtanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.” (Exodo 22:28)

   Dahil diyan may sinabi si Apostol San Pablo na dapat tayong pasakop sa mga kinauukulan at mga may kapangyarihan na mamahala sa atin:

“Kayo’y pasakop sa bawat palatuntunanng tao alangalang sa Panginoon: maging hari,na kataastaasan; O sa mga gobernador,na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng  masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka’t siyang kalooban ng Dios,na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo.” (1 Pedro 2:13-15)

“Mga alila, kayo’y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.” (1 Pedro 2:18)
     
Kaya ang sinasabi ng mga di katoliko na ipinagbabawal daw ni Jesus ang pagtawag ng “Father”  sa mga pari ay isang kasinungalingan.Dahil wala ring nakasulat sa Biblia na isa man sa mga alagad at apostol na tinawag na Pastor Pablo, Pastor Pedro. Kahit sa lumang tipan ay wala rin, bagkus  si Esteban din ay tumawag ng magulang sa mga kausap niyang Judio. Gayundin naman ay nagpatawag si Pablo na Ama sa kaniyang mga alagad. Sa lumang Tipan, sina Propeta Elias at Eliseo ay tinawag ding Ama, gayundin si Eliacimna Anak ni Hilcias ay tinawag ding Ama ng buong Jerusalem at ng Sambahayan ni Juda.   Kaya ang pagtawag sa mga pari bilang Father  ay mas biblical pa kaysa sa patawag ng Pastor.  Saka diba sa kanilang mga Bible Studies ay nagpapatawag din ang mga born again na Pastor at Pastora ng teacher, na sa salitang Hebreo ay Rabi, na ang ibig sabihin ay guro, eh diba ipinagbabawal din yun ng Mateo 23 kasunod ng talatang kanilang ginagamit sa pagtuligsa ng pagtawag sa mga pari bilang “Father”.  Kaya nga tama si Apostol Pablo patungkol sa mga taong walang alam na mahilig mambaluktot ng Kasulatan:

“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain,na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.” (2 Pedro 3:16)