"Always be prepared to make a defense to any one who calls you to account for the hope that is in you, yet do it with gentleness and reverence." (1 Peter 3:15)

Thursday, June 21, 2012

Ipagtanggol Ang Pananampalataya!

                                          

   Sa tuwing magbubukas ako ng telebisyon, radyo o sa internet man marami akong napapansin na mga paninira sa pananamapalatayang katoliko, pag nanood ka ng TV at inilagay mo sa Net 25 o sa GEM TV nandyan ang mga Ministro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo na mahilig manuligsa at manira sa pananampalatayang katoliko. Pag naman inilagay natin ang channel sa UN TV andyan naman ang grupo ni Ginoong Eli Soriano na walang habas din ang pang-aatake sa pananamapalatayang katoliko. Kahit ata saang channel ko mailagay ay di nawalala ang paninira sa pananampalatayang katoliko. Tunay nga ang sinasabi ng banal na kasulatan ukol sa kanila na:

"Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Diyos, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo." (Judas 4, Ang Biblia)

  Dahil diyan marami sa mga mananampalatayang katoliko ang nagugulumihhanan o kaya naman ang kanilang isip ay naguguluhan dahil sa kakaibang aral na ipinapangaral ng mga sektang ito. Dahil diyan marami ding iba't ibang blogs at videos sa internet ang nagsulputan upang mas lalong siraan at tuligsain ang pananampalatayang katoliko. Dahil diyan nag-aalala si Pablo sapagkat marami ang mga nadadala ng ganung katuruan at ng mga mangangaral na ganito ang layunin, dahil diyan may sinasabi si Pablo patungkol sa mga nangangaral ng ibang Jesus:

"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa ipinangaral ko. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro ko sa inyo." (2 Corinto 11:3-4, Magandang Balita Biblia)

Marami sa mga katoliko ang madaling maakay ng mga gayong tao, katulad ng binanggit ni Apostol San Pablo na sila'y mga katulad ni Eva na nalinlang ng ahas sa hardin. Dahil diyan sinabi rin ni Pablo na kahit si Satanas man ay maaring ding magkunwaring anghel ng kaliwanagan at hindi rin kataka-taka na ang kanyang mga lingkod ay magkunwaring lingkod ng katuwiran:

"Sapagkat si Satanas man ay maaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod." (2 Corinto 11:14-15, Magandang Balita Biblia)   

Maraming taktika na ginagamit ang mga ibang sekta sa paninira sa Simbahan andyan na ang pakikipagdebate, pagkokowt mula sa librong katoliko at baluktutin ang mga nilalaman nito, marami din silang mga itim na propaganda laban sa Iglesia katolika kaya kahit sa mga aklat, mga babasahin, pampleto na kanilang ibinibigay ay puro halos paninira sa Simbahan dahil diyan may sinasabi si Apostol San Pablo sa kanyang unang sulat kay Timoteo:

"Kung may nagtuturo man nang salungat dito at hindi naaayon sa tamang turo ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at mga turo tungkol sa pagsunod sa Dios, ang taong ito'y mayabang pero wala namang nalalaman. Gusto lang niyang makipagtalo na nauuwi lang naman sa inggitan, alitan, paninira, pambibintang, at walang tigil na awayan. Ito ang ugali ng mga taong baluktot ang pag-iisip at hindi na nakakaalam ng katotohanan. Inaakala nilang ang kabanalan ay paraan ng pagpapayaman." (1 Timoteo 6:3-5, Ang Salita ng Dios Biblia)

Gayundin naman ay may binabanggit din si Apostol San Pedro patungkl sa mga huwad na mangangaral na ito:

"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." (2 Pedro 2:1-3, Ang Biblia)

Dahil diyan pinaaalalahanan din tayo ni Apostol San Pedro na dapat sagutin ang mga nanunuligsa sa pananampalatayang katoliko:

"Lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, ngun't sa kaamuan at takot: Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo." (1 Pedro  3:15-16, Ang Biblia)   
 
Gayundin ay may tagubilin si Apostol San Pablo sa bawat mananampalataya o mga alagad ng Diyos na dapat ipaglaban ang pananampalataya at mamuhay ng matuwid:

"Ngunit ikaw, bilang alagad ng Dios, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa. Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Dios para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi." (1 Timoteo 6:11-12, Ang Salita ng Dios Biblia)

Katulad nina Apostol Pedro at Pablo ay pinaalalahanan din tayo ni Apostol Judas Tadeo sa kanyang sulat na ipaglaban ang  pananampalatayang ipinagkalooob minsan at magpakailanman sa mga banal:
"Ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal." (Judas 3, Magandang Balita Biblia)

Sa huli pinaaalalahanan tayo ni Apostol San Juan sa kanyang ikalawang sulat na dapat pakaiwasan o kung maari ay huwag batiin ang bawat nagdadala ng ibang aral upang hindi tayo masangkot sa kanilang masasamang gawa:
"Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa." (2 Juan 10-11, Ang Biblia)

Dahil diyan sinasabi ni Apostol San Pablo na huwag tayong patatangay sa mga gayong aral, huwag tayong tumulad sa mga bata na madaling madala ng maling aral:

"Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat
 na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian. Manapa'y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Cristo na siyang ulo." (Efeso 4:14-15, Magandang Balita Biblia)

Panghuli, ang  blog na ito ay aking ginawa upang sagutin kahit paano ang mga pang-aalipusta laban sa pananamapalatayang katoliko. At hinihimok ko rin ang aking kamanampalataya na kanila ring ipagtanggol ang pananampalatayang katoliko. Dahil sa huli ay sinabi ni Jesus:

"Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo." (Juan 8:32, Magandang Balitaa Biblia)




KAYA MGA KAPATID NA KATOLIKO! MAGING HANDA TAYO! IPAGTANGGOL NATIN ANG ATING PANANAMPALATAYA NA MINSAN NANG IPINAGKALOOB SA ATIN!