isinulat ni:
Christopher Garcia
Ayon sa isang kaanib ng Iglesia Ni Cristo na si Rodante Aguilar, na
itinatag ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang facebook post ay ganito ang
kaniyang sinabi:
“Hindi naman mahalaga ang
pagkilala ng international bible schoolars, para paniwalaan mo, hindi
naman yan ang AUTHORITY na aming kinikilala,t sinasampalatayanan, ang
nasa biblia sa Roma 10:14-15,.Paano nga sila magsisitawag doon sa hindi
nila sinasampalatayanan at paano silang magsisisampalataya sa kanya na
hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang
tagapangaral?.. At paano silang mangangaral, kung hindi sila mga
sinugo?...."
Ayon sa kanya ano daw ang esensya ng paniniwala sa ginawa ng mga
bible scholars kung hindi naman daw sila isinugo at ang kanyang sabi ay
ganito daw ang nakasulat sa Roma 10:14-15:
“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila
sinampalatayanan?at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi
nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
At paano sila magsisisampangaral, KUNG HINDI SILA ANG MGA SINUGO?”
Una,paano niya nasabing hindi isinugo ang mga international Bible
scholars? Dahil kung ating titignan karamihan sa mga Bible scholars ay
paring katoliko.At ang isa sa mga sinasampalatayanan ng Iglesia Katolika
ay ang Sakramento ng Banal na Orden o ang pagpapatong ng kamay sa mga
pari katulad ng ginawa ng mga apostol sa pagsusugo ng mga tagapangaral,
tignan natin ang Banal na Kasulatan ukol dito:
““Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila’y
mangapakapanalangin na, ay IPINATONG NILA ANG KANILANG MGA KAMAY SA MGA
YAON.” (Gawa 6:6)
“Nang magkagayon, nang sila’y makapagayuno na at
makapanalangin at MAIPATONG ANG MGA KAMAY NILA SA KANILA,AY KANILANG
PINAYAON SILA.” (Gawa 13:3)
Naniniwala ako na isa rin yan sa mga karaniwang ginagawa at
sinasampalatayanan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ni Ginoong Felix
Manalo, dahil kung ating tatanungin ang kanilang mga ministro ng
ganitong tanong “Sino ang nagsugo at nagorden sa iyo para mangaral?” ang kaniyang isasagot ay si Kapatid na Eduardo Manalo, kapag iyong tanungin ulit siya ng ganito “Sino naman ang nag-ordena kay Kapatid na Eduardo Manalo?” , ang sagot niya ay ‘Si Kapatid na Erano Manalo ang nag-ordena sa kanya.” Kapag tinanong mo ulit siya ng ganito “Sino naman ang nagsugo at nag-ordena kay Kapatid na Erano Manalo?” ang kaniyang isasagot ay ganito ‘Si Kapatid na Felix Manalo po ang nagsugo at nag-ordena sa kaniya.” At kapag muli mo siyang tinanong ng ganito “Kung gayon ay sino ang nag-ordena kay Kapatid Na Felix Manalo?”.
Wala silang maisagot dahil alam nila na walang isa man na naging
kaanib na ng Iglesia Ni Cristo ang kailanma’y nag-ordena at nagsugo kay
Ginoong Felix Manalo. Kaya nga may sinabi ang Panginoong Diyos sa mga
nagsasabing sila daw ay isinugo gayong hindi naman:
“Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma’y
nagsitakbo sila: ako’y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma’y nanghula
sila.” (Jeremias 23:21)
Kaya di kagulat-gulat na walang katibayan ang
INC na si Ginoong Felix Manalo ay inordenahan at isinugo buhat sa mga
apostol. Eh paano naman ang mga paring iskolar sa Biblia? Sila ay mga
isinugo dahil sa bias ng ordenasyon na kanilang natanggap. Kung ikaw ay
magtatanong sa isang pari o Obispo ay ganito ang kanilang sasabihin, “Sa isa pang Obispo na namuno sa lugar na ito.” At
makikita na natin na walang patid ang pagpapatong ng kamay na naging
kaugalian na ng Iglesia Katolika sa mahigit 2000 taon buhat pa mismo sa
mga apostol. Dahil diyan sinabi ni Apostol San Pablo kay Timoteo ang
kahalagahan ng pagpapatong ng mga kamay:
“Huwag mong pabayaan ang kalooban na nasa iyo, na sa
iyo’y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may PAGPAPATONG NG MGA KAMAY
NG KAPULUNGAN NG MGA PRESBITERO.” (1 Timoteo 4:14)
“Dahil dito ay ipinaaalala ko sa iyo na paningain mo ang
kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng PAGPAPATONG NG AKING MGA
KAMAY.” (2 Timoteo 1:6)
Kahit si Apostol Pablo ay isinugo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Ananias:
“At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at IPINATONG
ANG KANIYANG MGA KAMAY SA KANIYA na sinabi, Kapatid na Saulo, ang
Panginoon, sa makatuwid baga’y si Jesus, na sa iyo’y napakita sa daan na
iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong
paningin, at mapuspos ng Espiritu Santo.” (Gawa 9:17)
Kahit sa Lumang Tipan ang walang hanggang pagkasaserdote ay
ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagpapahid ng
langis:
“At iyong PAPAHIRAN NG LANGIS sila gaya ng iyong
pagkapahid sa kanilang ama, upang sila’y makapangasiwa sa akin sa
katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa
kanila’y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon
ng kanilang lahi.” (Exodo 40:15)
Kahit si Josue na Anak ni Nun na siyang isinugo at itinalaga
ng Panginoon upang pumalit kay Moises sa pangunguna sa bayang Israel ay
siyang isinugo sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ni Moises:
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue
na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at IPATONG MO
ANG IYONG KAMAY SA KANIYA.” (Bilang 27:18)
“At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng
karunungan: sapagka’t IPINATONG NI MOISES ANG KANIYANG MGA KAMAY SA
KANIYA; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya
ng iniutos ng Panginoon kay Moises.” (Deuteronomio34:9)
Ang pagkasugo din naman sa mga apostol ay kaiba sa pagkasugo sa
mga kahalili nila dahil ang mga apostol ay isinugo sa pamamagitan ng
pagsusugo ng Espiritu Santo sa kanila sa panahon ng Pentecostes:
“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes,silang
lahat ay nangagkatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa
langitang isang ugong gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at
pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila’y may
napakitang mga dilang kawangis ng apoy na nagkabahabahagi;at dumapo sa
bawa’t isa sa kanila.At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo,
at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob
ng Espiritu na kanilang salitain.” (Gawa 2:1-4)
Paano nasabing noong panahon ng Pentecostes
natanggap ng mga apostol ang pagkasugo, si Jesus mismo ang nagsabi sa
kanila bago siya umakyat sa langit:
“Datapuwa’t TATANGGAPIN NINYO ANG KAPANGYARIHAN,
PAGDATING SA INYO NG ESPIRITU SANTO: at kayo’y magiging mga saksi ko sa
Jerusalem,at sa buong Judea at Samaria,at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa.” (Gawa 1:8)
Gayundin ay isinugo ng Panginoong Jesus ang mga apostol noong
panahon ng kaniyang Muling Pagkabuhay kung saan hiningahan niya sila ng
Espiritu Santo:
“Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus,Kapayapaan ang
sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman
SINUSUGO KO KAYO.
At nang masabi niya ito, sila’y HININGAHAN NIYA, AT SA KANILA’Y SINABI, TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO:
Sinomang inyong patawarin sa mga kasalanan, ay
ipinatatawad sa kanila;sinomang hindi inyo patawarin ng mga kasalanan,ay
hindi pinatatawad.” (Juan 20:21-23)
Ikalawa, ang mga iskolar ng Biblia ay hindi nagtuturo ng mga bagong
aral bagkus ay kanilang iniingatan ang napakatandang tradisyon ng mga
apostol,at kanilang pinahahalagahan ang matandang tradisyon ng
pagsasalin ng Banal na Kasulatan at sa pag-iinterpret nito. Dahil sinabi
mismo ni Apostol Pedro patungkol sa mga walang alam at mga taong
pinipilit ipaliwanag ang Biblia sa kanilang sariling palagay:
“Na malaman muna ito,na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa SARILING
PAGPAPALIWANAG.” (2 Pedro 1:20)
Dahil diyan binabalaan tayo ni Apostol San
Pedro patungkol sa mga taong walang kaalaman na mahilig baluktutin ang
mga talata lalo na yung mga mahirap unawain para lamang sa kanilang
pansariling interes:
“Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat,na doo’y
sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap
unawain, na ISINISINSAY NG MGA DI NAKAAAALAM AT NG MGA WALANG TIYAGA,NA
GAYA RIN NAMAN NG KANILANG GINAGAWA SA IBANG MGA KASULATAN SA
IKAPAPAHAMAK DIN NILA.” (2 Pedro 3:16)
Pagdating naman sa turo ng INC ay ganito ang sinasabi ng kanilang PASUGO kung sino ang umakda ng kanilang mga katuruan:
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga LEKSIYONG ITINUTURO
NG MGA MINISTRO, maging SA MGA PAGSAMBA, MGA DOKTRINA o MGA PROPAGANDA?
ANG KAPATID NA FELIX MANALO.” (PASUGO, Mayo 1961, p. 4)
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang LAHAT NG MGA ITINUTURONG MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO SA MGA PAGSAMBA, SA MGA DOKTRINA, SA MGA PAMAMAHAYAG SA GITNA NG BAYAN, ay si KAPATID NA FELIX MANALO LAMANG ANG BUMABALANGKAS AT NAGTUTURO SA KANILA.” (PASUGO, Mayo 1963, p. 27)
Ang mga Paring iskolar naman sa
Biblia ay hindi nagtuturo ng sarili nilang doktrina o aral, bagkus ay
kanilang itinuturo lang ang matagal nang turo ng Iglesia Katoliko buhat
pa sa panahon ng mga unang Kristiyano at panahon ng mga apostol. Ang
kaniyang palaging pamantayan ay ang Banal na Kasulatan at Banal na
Tradisyon alinsunod na rin sa sinabi ni Apostol San Pablo sa kaniyang
mga isinulat:
“Kaya nga,mga kapatid,kayo’y manindigang matibay at
inyong panghawakan ang MGA TRADISYON na sa inyo’y itinuro naming,maging
sa PAMAMAGITAN NG SALITA, O NG SULAT MULA SA AMIN.” (2 Tesalonica 2:15,
Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon 2001)
“Aming ipinag-uutos ngayon sa inyo mga kapatid, sa
pangalanng ating Panginoong Jesu-Cristo,na kayo’y lumayo sa bawat
kapatid na namumuhay sa katamaran,at hindi AYON SA TRADISYON NA
TINANGGAP NILA SA AMIN.”(2 Tesalonica 3:6, Ang Bagong Ang Biblia,Edisyon
2001)
“Pinupuri ko kayo,sapagkat sa lahat ng mga bagay ay
naaalala ninyo ako, at pinananatili ninyong matibay ang MGA TRADISYON NA
GAYA NG IBINIGAY KO SA INYO.” (1 Corinto 11:2,Ang Bagong Ang
Biblia,Edisyon 2001)
Ang Pagkasugo ni Ginoong Felix Manalo ay katulad ng pagkasugo kay Juan Baustista
Isa sa mga idadahilan ng mga kaanib ng INC ang ganito “Bakit
si Juan Bautista, isinugo siya ng Diyos ngunit hindi naman naordenahan
saka wala naming nagpatong ng kamay sa kaniya ha, kaya ganun din an
gaming Kapatid na Felix Manalo na isinugo mismo ng Diyos.”
Ganito ang tanong diyan “Paano ka nakakasiguro na magkatulad nga sa pagkasugo sina Felix Manalo at Juan Bautista?” Tignan
natin kung paano isinugo si Juan Bautista, si Juan Bautista ay anak ng
paring si Zacarias at ni Elisabet na pinsan ni Maria na Ina ni
Jesucristo. Ang palaging dahilan ng mga INC sabi nila na ang isang
palatandaan na magparehas sila ni Felix Manalo ay pareho daw silang
katuparan ng mga hula,gayundin ay pareho silang isinugo diretso ng
Diyos, isang indikasyon at patunay na si Ginoong Felix Manalo daw ay
isinugo. Pero kung titingnan natin ng maigi ang dalawa ay talagang hindi
totoo na magparehas sila dahil si Juan Bautista ay hindi lamang inihula
bagkus ay pinatunayan pa siya ng isang anghel na napakita sa kaniyang
mga magulang, ganito ang sinasabi ng kasulatan:
“Datapwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang
matakot, Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang asawa mong si
Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin
mong Juan ang kaniyang pangalan.
At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkakapanganak sa kaniya.
Sapagka’t siya’y magiging dakila sa paningin ng
Panginoon, at siya’y hindi iinom ng alak na matapang na inumin; at
siya’y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
AT MARAMI SA MGA ANAK NI ISRAEL, AY PAGPAPABALIKING-LOOB NIYA SA PANGINOON NA KANILANG DIOS.
At SIYA’Y LALAKAD SA UNAHAN NG KANIYANG MUKHA NA MAY
ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN NI ELIAS, upang PAPAGBALIKING-LOOB ANG MGA
PUSO NG MGA AMA SA MGA ANAK,AT ANG MGA SUWAIL AY MAGSILAKAD SA
KARUNUNGAN NG MGA MATUWID,UPANG IPAGLAAN ANG PANGINOON NG ISANG BAYANG
NAHAHANDA.” (Lucas 1:13-17)
Diyan pa lang sa winika ng anghel sa kaniyang
Amang si Zacarias ay kaiba na si Juan Baustista kay Felix Manalo dahil,
pinatunayan ni anghel Gabriel na ang magiging anak ni Zacarias ay
tatawaging JUAN, at siyang katuparan ng mga hula. Ibig sabihin ang
anghel mismo ang nagbigay ng pangalan kay Zacarias, hindi katulad ni
Felix Manalo na walang nagbigay na anghel ng pangalan sa kaniya upang
mapatunayan na siya ng ang isinugo. Dahil kung mapapansin natin ay si
Juan nga ang katuparan ng mga hula ng mga propeta ayon sa winika ng
anghel at ito ang mga hula na iyon:
“ Narito AKING SUSUGUIN SA INYO SI ELIAS NA PROPETA bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
AT KANIYANG PAPAGBALIKING-LOOB ANG PUSO NG MGA AMA SA
MGA ANAK, AT ANG PUSO NG MGA ANAK SA KANILANG MGA MAGULANG.” (Malakias
4:7-6)
“Narito, aking SINUSUGO ANG AKING SUGO,AT SIYA’Y
MAGHAHANDA,NG DAAN SA HARAP KO: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay
biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong
kinaliligayahan, narito siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga
hukbo.” (Malakias 3:1)
“Ang tinig ng isang sumisigaw,IHANDA NINYO SA ILANG ANG
DAAN NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING
DIOS.” (Isaias 40:3)
Ang pagkasugo kay Juan Bautista ay
katulad ng pagkasugo kay Isaac, eto at ating tignan kung paano sila
isinugo sa pamamagitan ng pagpapatunay ng isang anghel:
“At sinabi ng Dios,Hindi,kundi ang iyong asawang si Sara
ay magkakaanak sa iyo at tatawagin mo ang kaniyang ngalang ISAAC; at
aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang
hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.” (Genesis 17:19)
Dito pa lang ay malinaw na ibang-iba ang pagkakasugo ni Juan
Bautista sa pagkasugo kay Felix Manalo.Dahil si Juan Bautista ay inihula
at pagkatapos ay pinatunayan ng anghel at binigyan siya ng pangalan.
Isa pang katangian patungkol sa pagkasugo kay Juan Bautista ay kung saan
hindi nagpalipat-lipat ng relihiyon o sekta si Juan Bautista para
sabihing siya ay isinugo. Si Juan Bautista ay isinugo ayon na rin sa mga
hula at itinakda ng anghel. Ngunit si Ginoong Felix Manalo ay saka
lamang niya natanto na siya pala ay isinugo pagkatapos niyang magkulong
sa kaniyang kwarto sa pagbabasa lamang ng Biblia at ilang babasahing
panrelihiyon. Isa bagay na hindi ginawa ni Juan Bautista,maaring
namalagi si Juan Bautista sa ilang, ngunit ang pagkasugo sa kaniya ay di
tulad ng kay Felix Manalo.Kung ating mapapansin na ang mga ministro ng
INC ay mahilig gumamit ng maraming salin ng Biblia, upangg mapatunayan
na sila nga ang tama, ngunit wala man lang silang maisalin ni isang
Biblia.
Kapag minsan na may nakakausap tayong INC kapag alam
nila na ang isang talata ay di papabor sa kanila, ganito ang palagi
nilang sinasabi “Mali ang pagkakasalin niyan.” Ang
nakapagtataka sa kanila, paano nila masasabing mali ang pagkakasalin ng
isang talata kung wala naman silang alam sa siyensya ng pagsasalin ng
Biblia ni isa man lang kaalaman patungkol sa mga orihinal na wika ng
Biblia. Kung kanilang sasabihin na mali ang salin ng talata na iyon,
bakit hanggang ngayon ay wala silang magawa na isang opisyal na salin ng
Biblia at patuloy pa rin sila sa paggamit ng mga Bibliang hindi naman
sa kanila.
No comments:
Post a Comment