isinulat ni
Christopher Garcia
Ang dogma ng Immaculada Concepcion ay isa sa mga pangunahin at
mahahalagang turo ng Iglesia Katolika patungkol ito sa walang salang
paglilihi kay Maria, ito ay idineklara ni Papa Pio IX sa kanyang Papal Bull na pinamagatang “Inefabilis Deus” noong Disyembre 8, 1854 na nagsasabing:
“We declare, pronounce and
define that the doctrine which holds that the Blessed Virgin Mary, at
the first instant of her conception, by a singular privilege and grace
of the Omnipotent God, in virtue of the merits of Jesus Christ, the
Saviour of mankind, was preserved immaculate from all stain of original
sin, has been revealed by God, and therefore should firmly and
constantly be believed by all the faithful.”
Noong bata pa ako noong minsang naimbitahan ako ng mga born again sa kanilang vacation bible school isa
sa mga karaniwang inatake nila ay ang dogma ng Immaculada Concepcion na
eksaktong siya naming patrona ng aming komunidad, ang mga karaniwang
talata na kanilang ginagamit ay ang Roma 3:23 at Lucas 1:47, sabi nila
na huwag daw naming paniwalaan ang Immaculate Conception dahil wala daw
ito sa Biblia, tignan natin ang mga talatang kanilang nabanggit:
Ayon sa Roma 3:23 ay ganito ang sinasabi:
“Sapagka’t ang LAHAT AY NANGAGKASALA nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”
Ayon sa kanila na si Maria hindi kaiba sa mga tao
na siyang nagmana ng kasalanan nina Adan at Eba kaya pinatutunayan na
hindi siya malinis na ipinaglihi, kung saan dahl ang isinasaad ng talata
ay patungkol sa lahat marapat lamang ayon sa mga di katoliko na kasama
na rin dito si Maria ang Ina ni Jesus. Ayon sa kanila na si Maria na daw
mismo ang nagsabi na nangangailangan din daw siya ng tagapagligtas
tulad ng kanya daw sinabi sa Lucas 1:47 na ganito ang sinasabi:
“At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking TAGAPAGLIGTAS.”
Ayon sa kanila malinaw na malinaw na hindi Immaculada si Maria
dahil kahit paano ay nangangailangan din siya ng Tagapagligtas. Sa unang
tingin ay mukha ngang may punto ang sinasabi ng mga born again
patungkol sa Immaculada Concepcion, ngunit ganito naman ang sagot ko sa
kanila na 11 taon kong pinag-aralan at natuklas maipakita na totoong
ipinaglihi nga si Maria na walang kasalanan sa pamamagitan ng simpleng
lohika sa Banal Na Kasulatan.
Ang una muna nating itanong sa ating sarili ay ano ba ang
kasalanan, ano ba ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa
kasalanan, halina at ating tignan:
Ayon kay Apostol San Juan ang kasalanan ay:
“Ang sinomang GUMAGAWA NG KASALANAN ay SUMASALANSANG sa
KAUTUSAN:at ang KASALANAN ay ang PAGSALANGSANG sa KAUTUSAN.” (1 Juan
3:4)
“Lahat ng KALIKUAN ay KASALANAN…” (1 Juan 5:17)
Gayundin naman ang sinabi ni Apostol Santiago patungkol sa bunga ng kasalanan:
“Kung magkagayo’y ang kahalayan,kung maipaglihi ay
nanganganak ng KASALANAN: at ang KASALANAN, pag malaki na ay namumunga
ng KAMATAYAN.” (Santiago 1:15)
Dahil dito ay may sinasabi si Apostol San Juan patungkol sa kung anong klase ng tao ang namumuhay sa kasalanan:
“Ang GUMAGAWA NG KASALANAN AY SA DIABLO; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang Diablo.” (1 Juan 3:8)
Dahil sa alam na natin kung ano ba ang kasalanan at kung ano ba
ang bunga nito at kung anong klase ban g tao ang namumuhay sa kasalanan,
atin naming alamin kung sino ang anak na ipinaglihi ni Mariang Birhen
na siya nating tagapagligtas an gating Panginoong Jesus mismo ganito ang
sinasabi ng kasulatan patungkol sa kanya:
“”At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang
itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILILIGTAS NIYA ang kaniyang
bayan sa kanilang KASALANAN.” (Mateo 1:21)
“Narito ang Cordero ng Dios; na NAGAALIS NG KASALANAN NG SANGLIBUTAN!” (Juan 1:29)
“At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang MAGALIS NG MGA KASALANAN,at sa KANIYA’Y WALANG KASALANAN.” (1 Juan 3:5)
“Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, UPANG IWASAK ANG MGA GAWA NG DIABLO.” (1 Juan 3:8)
Dahil dito si Jesus ang katuparan ng hula na
ipinahayag ng Diyos sa ahas patungkol sa binhi ng babae na siyang
magiging kaaway niya at siya ring dudurog sa kanyang ulo, parehas sila
ng kanyang ina na magiging kaaway ng ahas ganito ang sinasabi sa unang
aklat ng Genesis:
“At PAPAGALITIN ko IKAW at ang BABAE,at ang IYONG BINHI
at KANIYANG BINHI: ITO ang DUDUROG ng IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng
kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)
Dahil dito malinaw na magiging magkaaway ang mesiyas at ang Diablo,
kaya imposible na si Maria ay may bahid ng kasalanan,dahil katulad ng
nasaksihan natin kanina na ang sinomang nagkakasala ay sa Diablo, dahil
doon si Maria kung gayon ay magiging alipin ng Diablo, gayong siya rin
ang maglilihi sa kaaway ng aha sang Diablo. Maari bang magkasundo ang
Diyos at si Satanas ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di
nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at
kalikuan? o ANONG PAKIKISAMA MAYRON ANG KALIWANAGAN AT KADILIMAN?
At ANONG PAKIKIPAGKASUNDO MAYROON SI CRISTO KAY BELIAL?o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
At ANONG PAKIKIPAGKAISA MAYROON ang TEMPLO NG DIOS SA MGA
DIOSDIOSAN? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng
Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at
ako’ymagiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga,
Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng
Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo’y
aking tatanggapin,
At ako sa inyo’y magiging ama, At sa akin kayo’y magiging
mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa
lahat.” (2 Corinto 6:14-18)
Dahil dito ay kapag ganyan ang nangyari na may
sinabi si Kristo patungkol sa isang kahariang naglalaban laban, paano
ngayon tatayo si Satanas kung nilalabanan niya ang kanyang sarili:
“At sila’y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi niya sa kanila sa mga talinghaga, PAANONG MAPAPALABAS NI SATANAS SI SATANAS?
At kung ang isang kaharian ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.
At kung ang isang bahay ay magkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon.
At kung MAGHIHIMAGSIK SI SATANAS LABAN SA KANIYANG
SARILI, AT MAGKAKABAHABAHAGI, HINDI SIYA MAKAPANANANATILI, KUNDI
MAGKAKAROON NG ISANG WAKAS.”(Marcos 3:23-26)
Dahil diyan sinasabi din sa Banal na Kasulatan na walang anuman ang pwedeng humarap sa Panginoon na may maruming puso:
“At hindi papasok doon sa anomang bagay na KARUMALDUMAL o
siyang GUMAGAWA NG KASUKLAMSUKLAM at ng KASINUNGALINGAN.” (Apocalipsis
21:27)
Gayundin ay pinatutunayan ito nina Propeta Isaias, at Zacarias:
“Sapagka’t ako’y napahamak; sapagka’t ako’y lalaking may
MARUMING LABI, at ako’y TUMATAHAN SA GITNA NG BAYAN NA MAY MARUMING
LABI.” (Isaias 6:5)
“Hubarin ninyo ang mga MARUMING SUOT sa kaniya.” (Zacarias 3:4-7)
Sinabi din mismo ni Jesus na mapalad ang may malinis na puso sapagka’t makikita nila ang Dios:
“Mapapalad ang mga may MALINIS NA PUSO: sapagka’t MAKIKITA NILA ANG DIOS.” (Mateo 5:8)
Dahil diyan, marapat lamang na ang Panginoon ay
Manahan sa isang dalisay,malinis at banal na lugar. Kung si Maria ay may
bahid kasalanan hindi siya karapat dapat na maging Ina ng Panginoon
dahil siya hindi malinis bagkus ay isang babaeng may maruming labi na
naninirahan sa isang bayang may maruruming labi tulad na rin ng sinabi
ni Isaias. Dahil diyan ay nilinis ng Panginoon ang Mahal na Birheng
Maria upang ipaghanda niya ng isang malinis at dalisay na tirahan ang
kanyang Anak, ang Verbong nagkatawang tao,dahil siya ay isinilang buhat
sa Diyos, dahil diyan ayon kay Apostol Juan na ang sinomang nananahan sa
Panginoon ay hindi nagkakasala:
“Ang SINOMANG NANANAHAN SA KANIYA HINDI NAGKAKASALA;
sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man
nakakilala sa kaniya.” (1 Juan 3:6)
“Ang sinomang IPINANGANAK NG DIOS AY HINDI NAGKAKASALA,
sapagka’t ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya at siya’y HINDI
MAAARING MAGKASALA SAPAGKA’T SIYA’Y IPINANGANAK NG DIOS.” (1Juan 3:9)
Dahil diyan malinaw na ipinapakita ang lohika
na ipinapakita ng Banal na Kasulatan na ang Mahal na Birhen ay nailigtas
mula sa kasalanang mana mula sa sinapupunan ng kanyang inang si Ana.
Kaya diyan pa lang ay talagang nangailangan ang Mahal na Birhen ng
Tagapagligtas at ang Diyos yun,hindi siya magiging Immaculada kung hindi
niya siya ililigtas mula sa kasalanang mana na ito. Kung baga nailigtas
na ang Mahal na Birheng Maria in advance.
Kaya nga noong binati ng Arkanghel Gabriel si Maria ay tinawag
niya siyang napupuno ng grasya day dahil, sa una pa lang ay pinuno na ng
Panginoon ng lahat ng grasya ang Mahal na Birhen upang ipaghanda siya
sa kaniyang misyon bilang maging ina ng Tagapagligtas:
“Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi
niya,”Magalak ka,PUSPOS-NG-BIYAYA, ang Panginoon ay sumasaiyo.” (Lucas
1:28,Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)
“Datapwat sinabi sa kanya ng anghel,” Huwag kang matakot,
Maria, sapagkat naging KALUGOD-LUGOD KA SA MATA NG DIYOS.” (Lucas 1:30,
Ang Ebanghelyo ni Jesucristo)
Dahil siya ay naging kalugod lugod sa Diyos
kaya siya napili upang maging Ina ng Mesiyas ang Kristong Panginoon na
tatalo kay Satanas,kaya nga sa aklat pa lang ng Genesis ay sinabi na ng
Diyos na ang babae ay magiging kaiba kay Eba na sumuko sa tukso ng
demonyo, di katulad ni Maria na sumunod sa kalooban ng Diyos,kaya si
Maria at ang diyablo ay lagging mag-aaway:
“At PAPAGAALITING KO IKAW AY ANG BABAE, at ang iyong
binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang
dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15)
Kaya sa huli lalo na sa aklat ng apocalipsis ay inihayag ni Juan na ang dragon ay may matinding galit sa babae:
“At NAGALIT ANG DRAGON SA BABAE, ay umalis upang bumaka
sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mg autos ng Dios
at mga may patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 12:17)
Halos 11 taon bago ko lubos na nagpag-aralan at
natuklasan ang buong lohika ng Simbahan patungkol sa Immaculada
Concepcion ni Maria, dahil kung titignan ay talagang nakalagay sa Banal
na Kasulatan ang Immaculada Concepcion kaya ito ay dapat sampalatayanan.
No comments:
Post a Comment